Dumi ng Tao sa Kalusugan
Mga 12:30 ng umaga biglang may humilab sa aking tyan at bakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Habang ako ay nakaupo sa inidoro at aking napag isip isip na an gating dumi ay madalas ituring bilang basura, walang silbi, mabaho, at walang gamit. Sa aking pag sasaliksik ang ating dumi pala ay maaring nagsasabi ng ilang palatandaan at sintomas tungkol sa estado ng kalusugan ng isang tao. Naging kasanayan na ang anumang usapan patungkol sa ating dumi ay pinapanatiling pribado. Ngunit ang isang paggalugad tungkol sa mga anyo, sukat, kulay, at amoy nito ay maaaring magpaliwanag ng maraming impormasyon tungkol sa malawak na lagay ng ating kalusugan at mga nangyayari sa loob ng ating bituka at puwit. Ano nga ba ang ibig sabihin ng kulay ng ating dumi ? Brown . Ito ang normal na kulay ng ating dumi. Ito ay dahil sa bilirubin na nasa Bile (Ito yung mga nakaimbak sa ating apdo at inilalabas sa bituka). Ito ay breakdown product ng haemoglobin sa ating dugo na no...