Dumi ng Tao sa Kalusugan

Mga 12:30 ng umaga biglang may humilab sa aking tyan at bakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Habang ako ay nakaupo sa inidoro at aking napag isip isip na an gating dumi ay madalas ituring bilang basura, walang silbi, mabaho, at walang gamit. Sa aking pag sasaliksik ang ating dumi pala ay maaring nagsasabi ng ilang palatandaan at sintomas tungkol sa estado ng kalusugan ng isang tao.

Naging kasanayan na ang anumang usapan patungkol sa ating dumi ay pinapanatiling pribado. Ngunit ang isang paggalugad  tungkol sa mga anyo, sukat, kulay, at amoy nito ay maaaring  magpaliwanag ng maraming impormasyon tungkol sa malawak na lagay ng ating kalusugan at mga nangyayari sa loob ng ating bituka at puwit.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng kulay ng ating dumi ?

Brown. Ito  ang normal na kulay ng ating dumi. Ito ay dahil sa bilirubin na nasa Bile (Ito yung mga nakaimbak sa ating apdo at inilalabas sa bituka). Ito ay breakdown product ng haemoglobin sa ating dugo na normal na masisira pagkatapos ng ilang lingo. Kaya kapag brown ang dumi mo wag ka muna matakot normal lang yan.

Green. ito ay naman ngangahulugan na mabilis ang pagdaan ng pagkain sa ating bituka. Ito ay maaring dahil sa diarrheal. Maaari din na indikasyon ito na hindi natutunaw ang bile ng maayos. Naglalabas ng bile ang ating bituka, ang gulo diba? Basta ang bile daw ay kailangan upang tunawin ang taba para magamit ng ating katawan. Ito rin daw ang nagbibigay ng kayumangging kulay sa ating  dumi. Habang dumadaan ang bile sa  small intestine papuntang large intestine, nagbabago ito ng kulay mula green, yellow hanggang sa maging brown na ito. Maari ring maging green ang ating dumi kung tayo ay kakain ng  green leafy na gulay, o kaya ang pagkain ng may  green food color tulad ng flavoured frinks, ice pops o iron supplement. 

Puti o walang kulay. Kung ganito naman ang kulay ng iyong dumi ang ibig sabihin nito ay kulang ng bile sa iyong dumi. Maaari itong resulta ng obstruction sa bile duct na syang daanan ng bile mula sa apdo papunta sa bituka. Maaari rin itong senyales ng pancreatitis o pancreatic cancer. May mga gamot din na tulad ng bismuth subsalicylate (Kaopectate, Pepto-Bismol) at ibang anti-diarrheal drugs na nagbibigay ng ganitong kulay ng dumi.

Dilaw. malangis at mabaho. Ito yung gustong gustong amoy ng kapatid ko pagkatapos ko dumumi JOKE. Kung ganito naman daw ang iyong dumi, maraming taba sa iyong dumi. Maari itong resulta ng malabsortion disorder tulad ng celiac disorder. Hindi naabsorb ng ating bituka ang mga natunaw na pagkain. Minsan ang protinang gluten na makikita sa mga tinapay at cereals at nagbibigay ng ganitong kulay at amoy sa dumi. Ito na ang senyales na mag  patingin kana sa doctor upang makasiguro sa dahilan ng ganitong anyo at amoy ng iyong dumi.

Itim. Kapag ganito ang iyong dumi, may pagdudugo sa unang bahagi ng iyong bituka (upper gastrointestinal tract) gaya ng tiyan. Maaaring resulta ito ng ulver o cancer. Talagang kailangan ng magpa-kunsulta sa doctor kapagganito na ang iyong dumi. Ang pag-inom din n giro supplements, bismuth subsalicylate, black licorica ay maaari ring magdulot ng itim na dumi.

Pula. Kung ganito naman ang iyong dumi, may pagdudugo sa ibabang bahagi ng intestinal tract tulad ng large intestine, rectum at madalas ay resulta ito ng haemorrhoids. Maaari ring resulta ito ng pagkakaroon ng diverticulosis o outpuoching ng colon. Ang pagkaing may red food coloring, mga beets, cranberries, tomato juice o soup at re gelatine ay maaari ring magdulot ng pulang kulay ng iyong dumi.

Comments

Popular posts from this blog

Tamang pag papaamo ng kalapati

Kahulugan ng Hugis ng Dumi ng tao

Rixell Blog