Tamang pag papaamo ng kalapati


Tamang Pagpapaamo ng Kalapati

1. Unang araw ng pag bili mo, paliguan mo muna. Mga bandang 9:30am, gumamit ka ng malatayon, wash out, shampoo any brand, at PH Care. bakit? para malinis mabango at tanggal ang mga parasite at kuto ng mga ibon nyo. Pag natuyo na pede nang pakainin o mag patuka.

2. Bigyan ng feeds ang ibon kada isang ibon isang salok ng takalan ng gatas o isang kutsara lang kada isang ibon.

3. Purgahin ang Kalapati. Madaming uri ng pampurga na pwedeng pag pilian. May pang manok at pang kalapati. Halimbawa ng uri ng pampurga: Opttiworm, In & Out, Tape Terminator, Liquid at capsule hammer, vermix.

4. Ang tamang pag purga ay mas mainam gawin kung gabi. Upang madaling hulihin at subuan ang kalapati. Dapat sa ganung oras ay walang laman ang butsi ng ibon nyo, para kinabukasan puro bulati lang ang lalabas na hahalo sa dumi ng K.

5. Mag bigay ng mga panlaban sa bakterya sa itaas muna ng inyong kalapati. Mas mainam kung pang kalapati ang nahapin mo. Pang alternatibong medisina nalang kasi kung sa pang manok.

6. Tirahin nyo naman ng panlaban sa bakterya ang bandang ibaba naman ng inyong kalapati. Yun ang ibabang bahagi loob ng katawan ng ibon ang intestine. Dapat pang kalapati pa din ang ibibagay nyo. Halimbawa ulit: BS, Ciprotyl, zifalexin, bastat may mga pang laban sa E-Coli, Salmonella, Typhoid, bastat may kinalalaman sa bituka ang sakit.

7. Pahingahin nyo muna ang kalapati ng mga 1week. Mas mainam yun para makabuo sila ng Anti-Bodies, bigyan din sila ng mga water soluble, gaya ng electrolyte.

8. Kapag nag bigay na kayo ng Ferry's Probiotics mababasa nyo sa label ang instructions, kaya hindi kayo maliligaw ng pag gamit.

9. Ang feeds nyo dapat flyer mix o breeder mix. Mag dagdag paminsan minsan ng pellets. Wag pigeons pellets walang sustansya yun.

10. Sa umaga magpalit ng tubig at maging sa hapon. Sa mga may trabaho kayo ang mag adjust ng oras ng oras ng pagpapakain nyo para hindi masira ang diet ng mga alaga nyo.

11. Pag umaga ulit after ng pagpapkain. Paligo ng 9:30am. Sabay pagmasdan mo naring sila. Wag nyong ilalagay ang mga kalapati nyo sa bubong kapag walang pakpak o tistis dapat may sapat na kusot o ano paman ang kulungan nyo para dun lang sila mag papatuyo at mag bibilad. Sa ganong paraan nakakapananda sila. Paarawan sila para gumanda ang pangangatawan nila hindi sila magiging maputla.

12. Mag palipas ng isang buwan kung baguhan palang na nag aalaga bago mag pakawala. Siguraduhing sapat ang lakas ng kalapati mo upang kung makalipad man sila ay malalaman mo agad kung sanay nang umuwi sayo at dapat kumpleto na ang pakpak nila.

13. Iwasang mag bunot ng pakpak. Dahil isa yun sa maselang parte ng katawan nila. Madali kasing mababago ang hugis lalo na kung nasa panahon ng pag lalagas ng balahibo. Mahalagang malaman nyo na importante sa mga kalapati ang 7-10 flights, dahil iyun kasi ang nag sisilbing manibela nila sa pag lipad. Kapag nakulangan ng dalwang pakpak sa panahong lumilipad sila, ay makakaramdam sila ng pagod, dahil bumabagal ang lipad nila. Iwasang mag bunot ng pakpak kapag may patubo palang.

14. Ang pag bubunot ng pakpak ng kalapati ay ginagawa sa panahon na ang gulang nila ay nasa tatlo hanggang apat na buwan. Upang sa pag dating ng racing season ay handa na ang pakpak nila sa paglipad. Kung isang pakpak ang mabunot, isang buwan ang katumbas na pag bunot, at kung pito na pakpak naman ang mabunot isang buwan pa din ang katumbas, upang tumubo ng sabay sabay.

15. Laging Tandaan. maging mapanuri mapag matiyag sa mga ikinikilos ng mga alaga nyong kalapati. Sa araw man o sa gabi. Upang kayo mismo ang makatuklas ng mga dapat na tamang gawin sa mga alaga. Maging ito man ay tamaan ng sakit, nag papares, o ano pamang ugali ng kalapati nyo. Sag sumikapang maging PROPESYONAL sa pag kaka-kalapati sa pamamaraang kayo mismo ang tutuklas ng mga kaalaman. Maging sa pag gagamot, isa yun sa pinakamahalagang parte ng buhay pag kaka-kalapati.

16. Mag basa basa, mag aral sa google mag tanong sa may tamang nalalaman, wag dun sa mga taong lolokohin ka at pag kakaperahan ka.

17. Hindi mo man alam ang linyada (Bloodline) ng kalapati na nabili mo. Kung matutunan mo namang aralin ang pag kilatis sa itsura pangangatawan tindig at pag tingin sa bawat hibla ng balahibo ng kalapati o ano pamang parte ng katawan nito, ay may basehan ka na pwede nga itong alagaan upang ang maging anak ang siya mo namang ilalaro sa karera.

18. Maging matiyaga sa pang araw araw na pagka-kalapati. Ang pag lilinis ng kulungan ang mag sisilbe mong ehersisyo tuwing umaga man o sa hapon. Ang sasa-ayos ng kanilang paitlugan pakainan tubig at kapaligiran ay mabisang paraan upang madami kang maisip na mabuting paraan na maaring makatulong sa iyong pamilya at kaibigan.

19. Ang pagka-kalapati ay isang libangang nakakalikha ka at nakakakilala ng mga bagong kaibigan. Nalalayo ka sa masamang bisyo, maliban na lang kung dati ka na talagang may ilegal na bisyo. Baka ito ang maging Therapy mo upang ikaw ay gumaling. Madami nang sakit ang napagaling ng pag aalaga ng kalapati. Nanjan ang stroke, pagod, stress o ano pa mang sakit na hindi mo namamalayan.

Comments

  1. Kakaiba sya, grabe ngayun lang ako nakakita ng ganyan, so it's a yes for me, pasok kana sa next round

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Kahulugan ng Hugis ng Dumi ng tao

Rixell Blog