Pag inom ng ihi


IBA'T IBANG KLASE NG IHI
Malinaw ang kulay
Marahil sanhi ng pag-inom ng maraming tubig. Sa pag-inom ng maraming tubig, makaka-ilang beses din ang pag-ihi.
Kulay brown 
Kung ang ihi ay may pagka-brownish o kulay iced tea, ito ay maaaring sanhi ng dehydration kung saan ang bato ay nagdo-doble kayod sa paggawa ng ihi na mas concentrated. Kung hindi naman umiinom ng gamot na nakakapagdudulot ng pagtingkad ng kulay ng ihi nito, mahalagang pakiramdaman ng mabuti ang sarili. Samantala, ang madalas na pagkahilo ay maaaring senyales ng dehydration kaya makakatulong ang pagtukoy nito sa pamamagitann ng pagtingin sa kulay ng ihi. Maaari rin namang matingkad ang kulay ng ihi dahil sa pagkakaroon ng dugo. Kung ang ihi naman ay hindi magkaroon ng malinaw ng kulay sa kabila ng pag-inom ng maraming tubig, nakabubuting sumangguni sa doktor upang malaman kung may impeksiyon o may iba pang kondisyon na kailangang suriin.
Malabong kulay ng ihi
Kung ang ihi ay may malabong kulay at may kasamang mapanghing amoy, maaaring sanhi ito ng urinary tract infection o problema sa pantog.
Kulay asul o berde – Ito ay maaaring mula sa mga pagkaing may artipisyal na kulay o mula sa gamot na iniinom.
Amoy matamis
Maaaring sanhi ng pagkakaroon ng asukal sa ihi na senyales ng pagkakaroon ng diabetes. Gayunpaman, nagkakaroon ng mga pagbabago ang filtration system ng bato sa pagbubuntis na maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng asukal sa ihi.
Kakaibang amoy
Maaaring sanhi ng pagkaing kinain o ng mga gamot na iniinom. Ngunit kapag ang kakaibang amoy ay hindi nawawala, kailangang magpakunsulta sa doktor upang masuri ang ihi.
Matingkad na kulay dilaw 
Maaaring sanhi ng mga food supplements gaya ng bitamina B at carotene. Maari ring ito ay mula sa mga laxatives na iniinom sintomas ng problema sa pancreas.
May dugo 
Sa mga malulusog na kababaihan, ito ay maaaring senyales ng urinary tract infection ngunit maaari ring sintomas ng bladder cancer sa babae at sa lalaki. Microscopic trauma o pinsala mula sa pagali sa isang endurance event, kidney stones, at ang pag-inom ng gamot na pampalapot ng dugo ay ilan din sa mga maaaring sanhi ng pagkakaroon ng dugo sa ihi.
Madalas na pag-ihi 
Maaaring sanhi ng pag-inom ng maraming likido, pagkain ng mga pagkaing maraming tubig katulad ng mga prutas, o pag-inom ng diuretic. Ang kondisyong ito ay madalas naman mapansin sa mga may edad. Sa mga lalaki naman, ang paglaki ng prostate ay nagdudulot ng pakiramdam na umihi ng madalas.
Pag-ihi ng di sinasadya 
Ang urinary incontinence ay karaniwang nangyayari sa mga babae pati na sa mga hindi pa nakakapanganak. Ito ay epekto ng kondisyon kung saan ang mga kalamnan ng pelvic floor ay hindi kaya ang pressure ng mga aktibidad tulad ng pagtakbo, gymnastics, pag-ubo, o paghatsing. Ito ay maaaring lumala kapag ang isang babae ay nakapanganak na. Ito din ay maaaring sanhi ng bladder malfunction .
Masakit na pakiramdam sa pag-ihi – Maaaring sintomas ng impeksiyon

Comments

  1. Hindi maganda yung experience ko when it comes to that. Consult your doctor immediately once na nag red ang ihi mo. Like me akala ko before it was part of what we called puberty yung menstratuation pero after 3 days I think nagkafever ko and then good thing I consulted the doctor and found out I have UTI infection. Maganda din yung ganto. Naeeducate tayo even in a small thing. Very informative!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tamang pag papaamo ng kalapati

Kahulugan ng Hugis ng Dumi ng tao

Rixell Blog