Kabutihang nadudulot ng pag Utot


 Kabutihang Maidudulot ng Pag-utot

May ibang utot na malakas, mayroong mahina. Mayroong maikli, mayroon ding mahaba. Siyempre, mayroong walang amoy, mayroong mabaho.

Ngunit, ano nga ba ang utot? Ito ay ang hangin na ating inalalabas mula sa ating katawan sa pamamagitan ng anus.

Ano ang dahilan ng pag-utot? Tayo ay umuutot dahil sa mga hangin na naipon nang tayo ay ngumunguya o umiinom. Ang iba naman ay maaring sa chemical reactions na nabuo sa ating tiyan.

Ngunit alam ba ninyo na may mga mabubuting epekto ang pag-utot natin? Ngayon, usapang utot tayo.

I want you to sit back and relax and be comfortable as we proceed.

1. Nakakabawas ng Paglobo ng Tiyan kung Busog
Kung busog ka at lumolobo ang tiyan mo, ang masamang hangin na ito ang may sala. Ang iba naman ay gawa ng water retertion, o ang pagsama ng cells sa mga sobrang tubig.
Pero ang pagkabusog at ang 'di mabuting pakiramdam? Ilabas mo na 'yan dahil masamang hangin 'yan na naghihintay lumabas. Let it be free and cherish the air so fresh!.

2. Mainam ito Para sa Iyong Colon Health
Mahalagang pakawalan ang utot at huwag pigilin. Dahil ang sobrang pagkapigil mula sa nakatakdang oras nito ay nakakasama sa iyong kalusugan.
Ang pagpigil sa utot ay sadyang nakakapagdulot ng medical issues sa iyong colon, ayon sa Women's Health Mag.

3. Isa itong Mainam na Maagang Warning System
Hinding-hindi mo matatakasan ang utot. Ito lang naman ay nagbibigay sa atin ng signs kung may kumplikasyon tayo; upang magpatingin na sa doktor.
Ang sobrang bahong utot, pumipitong utot, at mga strange gas pains ay nakakapag-alerto sa'yo mula sa mga sakit na kasing-mild ng lactose intolerance , at kasing lala ng colon cancer.

4. Ang Amoy ng Utot ay Nakabubuti sa Iyo!
Tama ang nabasa mo, ang pagsinghot ng utot ay maaring MALUSOG, para sa'yo.
Weird mang pakinggan, pero paniwalaan ninyo ako. Sinabi na ito sa mga pag-aaral—naglalabas ta'yo ng kakaunting hydrogen sulfide na maaring protektahan tayo sa mga sakit.
Kaya ano na? Singhutin mo, baby.

5. Nakatutulong ito sa Pagbabalanse ng iyong Diet
Binibigyan tayo ng clue ng ating utot kung ano ang mga pagkain na dapat nating pagtuunan ng pansin.
Halimbawa, kapag madalang ka umutot, kinakailangan mo ng mga pagkaing mayaman sa fiber. Kapag sobra ka naman sa pagkain ng red meats, nakakasulasok ang amoy ng iyong utot pagkatakas. Sinasabihan ka na ng utot mo na dapat, bawas-bawasan na ang pagkain ng karneng pula.
6. Nagpapakita ito ng Malusog, at Masayang mga Bacteria sa Ating Tiyan
Ito ang medyo 'di kaaya-ayang katotohanan: ang mga mas-slim at mas malusog na tao ay mas madalas umutot.
Be happy kung madalas kang umutot, isa lamang itong palatandaan na malusog ka.

7. Isa itong Kaginhawahan
Wala nang mas giginhawa pa, sa utot na naipakawala.
Maaring nakakahiya nga na nahuli kang nagpakawala ng utot bomb at nahuli ka, pero aminin mo, masarap ang pakiramdam na nailabas mo na ang masama diba?
Kaya, huwag mo nang pigilin,
Ilabas mo na't huwag matakot,
Kahit ano pa man ang amoy o haba,
Huwag mag-alala sa sasabihin nila.

Comments

Popular posts from this blog

Tamang pag papaamo ng kalapati

Kahulugan ng Hugis ng Dumi ng tao

Rixell Blog