Rixell Blog
Na saan ang aking
gantimpala o Prize Tayong mga pinoy o kahit ano mang lahi kapag narinig naten
ang salitang “Prize” o sa malalim na tagalog ay “Gantimpala” ang ating mga dugo
ay nabubuhay. Tama naman diba? Kapag narinig naten sa radyo, television,
dyaryo, o kung ano ano pa tayo ay nagiging interesado. Tayo ay natutuwa o kaya
nagagalak. Andiyan ang nanalo ka ng bahay o lupa o kaya naman ay pera. O kaya
naman Gantimpala o Prize na hindi material. Andiyan ang paglago ng ating
“career”, malakas na pangangatawan, o kaya naman ang pagiging matamgumapay
natin sa ating daang tinatahak. Iba ang hatid na saya sa atin ng Gantimpa o
kaya Prize sa ating mga tao. Lahat ginagawa upang ito ay makuha, makamit o
maabot. Ngunit, ano nga ba ang ating gustong “Gantimpala” o Prize? At paano nga
ba naten ito makakamit. Sa aking pag obserba, nakita ko at naikumpara ko ang
pagkakaiba ng mga tao. Nakita ko ang kanila “strengths” o kalakasan (kung saan
sila magaling) at nakita ko din ang kanila “weaknesses” o kahinaan. At sa aking
pag oobserba nakita ko din ang mga iba’t ibang pag uugali ng tao pagdating sa
kanilang “career” or karera sa buhay. Una, andiyan ang tinatawag naten na
Incompetent. Ito ang mga uri ng tao na kuntento na sa mga bagay na meron sila
ngayon. Sila yung mga taong ‘takot’ sumugal para sa kanilang sarili para sa
kanilang ikauunlad. Madalas ay nasa ‘comfort zone’ lang sila sa kadahilanan
kuntento na sa kanilang narating. madalas mas pinipili nila yung mga bagay na
alam nilang madaling gawin dahil sila ay takot na sumubok. Ayaw ng pagsubok
kung baga. Pangalawa, the perfect one. Oo may mga uri rin pala ng mga taong
pwedeng tawaging perpekto. Bakit ko nga ba ito nasabi at paano. Sila ay
kabaliktaran ng mga Incompetent na tao dahil ang mga tao dito ay handa o
‘willing’ lumabas sa kanilang nakasanayan o comfort zone at gustong makamit ang
tinatawag naten Prize o Gantimpala ngunit walang ginawang “action” upang
makamit ang bagay na gustong makuha o marating. Ang mga tao ito ay masyadong
bilib sa sarili. Bilib sa sarili ng kaya nilang gawin ang mga bagay bagay, kumbaga
malaki ang paniniwala sa sarili subalit ito ay puro “kuda” lamang para sa
salitang kanto o pagandahin naten. Ito ay puro yabang lang ang alam, wala
namang gawa. Hindi pa rin ba magandang pakinggan. Sige pagbigyan kita, mas
maayos na salita. Sila ang mga taong naniniwalang magaling at matalino sa mga
bagay bagay ngunit wala namang kasamang kilos o gawa. Ang mga uri ng taong
ganto ay hindi hindi tumatanggap ng ibang opinion ng tao dahil nga sila’y
naniniwala na sila ay magaling. Hindi rin sila tumatanggap ng positive
criticism kaya madalas silang ma-inngit sa mga naabot ng kanyang mga kasamahan.
Ang panghuli ay ang Successful. Ang mga gantong uri ng personalidad ng tao ay
laging optimistic o laging positibo sa buhay at may malaking paniniwala sa
sarili. Hindi lang sila puro salita kundi ang bawat salita nila ay may kaakibat
na gawa. Sila din ay handang sumugal para sa kanilang career at gagawin ang
lahat para sa kanilang mga pangarap. Walang takot nila itong haharapin. Sila ay
handang makinig sa mga opininyon ng ibang tao lalo’t na alam nilang ito ay
makakatulong sa kanilang sarili. Hindi sila takot na humingi ng tulong sa
kanilang mga kasamahan dahil alam nila na sila ay hindi perpekto. Alam nila ang
kanilang kahinaan kaya’t sa pamamagitan ng mga kaibigan, pamilya at iba pa sila
ay matutulungan nito. Tatanggapin ang pagkakamali at kahinaan at susubukan
lagpasan ito at hindi makukuntento sa kanilang kahinaan. Tulad nga ng aking
nasabi sila ay hindi takot na sumugal kaya’t hindi sila takot na bumagsak o magkamali
subalit mas pagsisikapan pa nilang umunlad sa pamamagitan ng kanilang
pagkadapa. Ito ay kanilang gagawing inspirasyon sa buhay. At sa tuwing sila ang
malulugmok ay mas lalong nag aalab ang kanilang mga sarili na bumangon,
lumaban, magpatuloy, sumubok muli at mas lalong mangarap ng kaginhawaan sa
buhay. Ngayon matapos mong basahin ang tatlong uri ng tao ngayon siguro ikaw ay
mapapatanong sa sarili mo na ano nga ba ikaw sa tatlong nabanggit na iyan.
“Where do you belong?” Kung sa iyong pag aanalisa at napabilang mo ang iyong
sarili sa una o pangalawa, ngayon pa lang ay simulan mo ng magbulay-bulay ng
mga bagay na kung ano ba ang mga bagay ng makakapag improve ng iyong sarili at
isipin ang mga katagang nasabi sa itaas. Isipin nga ba na ito ay makakabuti sa
iyong buhay o sarili. Kung ikaw naman ay napanilang sa tinatawag natin na mga
successful. Ikaw ay magalak at magpatuloy sa iyong ginawa. Hiwag magsawang
sumubok o lumaban kung ito naman ay sa ikagaganda ng iyong career. Ang lahat ng
pagsubok ay gawing isang leksyon upang sa susunod ay maiiwan at hindi na muling
mauulit. Note: The successful one, is the person who achieve prizes that maybe
in a form of career, love, money, sports, and a happy family. The person who’s
willing to sacrifice and exert effort to pay the prize
Pano pag parang bipolar ka? I mean sometimes ganto and then suddenly ganto ka naman. Kase diba sometimes you will feel frustrated and hopeless tas nagiging desperate ka in the end kase yung inaachive mo hindi mo mareach kahit all your effort was given. So parang you will fall on the first one na you will give up and chose the other one the easiest one or sometimes nasa third ka naman. Pano yun? Any advice po.
ReplyDelete