Tamang pag papaamo ng kalapati
Tamang Pagpapaamo ng Kalapati 1. Unang araw ng pag bili mo, paliguan mo muna. Mga bandang 9:30am, gumamit ka ng malatayon, wash out, shampoo any brand, at PH Care. bakit? para malinis mabango at tanggal ang mga parasite at kuto ng mga ibon nyo. Pag natuyo na pede nang pakainin o mag patuka. 2. Bigyan ng feeds ang ibon kada isang ibon isang salok ng takalan ng gatas o isang kutsara lang kada isang ibon. 3. Purgahin ang Kalapati. Madaming uri ng pampurga na pwedeng pag pilian. May pang manok at pang kalapati. Halimbawa ng uri ng pampurga: Opttiworm, In & Out, Tape Terminator, Liquid at capsule hammer, vermix. 4. Ang tamang pag purga ay mas mainam gawin kung gabi. Upang madaling hulihin at subuan ang kalapati. Dapat sa ganung oras ay walang laman ang butsi ng ibon nyo, para kinabukasan puro bulati lang ang lalabas na hahalo sa dumi ng K. 5. Mag bigay ng mga panlaban sa bakterya sa itaas muna ng inyong kalapati. Mas mainam kung pang kalapati ang nahapin mo. Pang...